KIAT: A Fiction
Lunes.
Unang araw ng pasukan, wala kang mukhang ihaharap. Walang sumipot na ka-grupo mo noong Sabado at Linggo, hindi mo natapos ang proyekto. Naiinis ka na. Huwag lang silang magkamaling magmakaawa, may masisinghalan ka.
Pero sa entrada ng eskwela, siya ang bumungad sa 'yo.
"Good morning, Yel."
Bati nga ng taong ito.
Napipi ang mukha mong susugod sana ng g'yera. Tila naging maamo kang kuting, ang mukha ay may bakas ng saya.
"Morning."
Halos sampalin at kurutin mo ang sarili mo nang sabay. Sampal, dahil dapat galit ka at hindi masaya. Kurot, para makumpirang totoong bumati siya.
At naghiwalay na nga kayo ng landas. Tumuloy ka sa inyong silid, ngiting-ngiti, hindi alintana ang mga kaklase mong hindi magkamayaw sa mga proyektong hindi pa nasisimulan. Nag-agahan ka lang, pero ang enerhiya mo ngayong Lunes ay hanggang hapunan.
No comments:
Post a Comment